Post with 1 note
MAY 30, 2012



SA NGAYONG BUWAN NG MAYO… Ilang tulog na lang, pasukan nga naman ng mga ‘bagets’. Nagsihanda na’ng mga bagong uniporme at mga bagong gamit bago ang kanilang first day sa eskwela sa June 4.
Samantala, sa buhay kong ito, naka-ilang taon na’kong nami-miss na makapunta sa mga beach (o kahit sa mga ‘outing’ ng mga kaibigan ko o sa mga kamag-anak ko na dehinds ako muli makakasama) dahil sa hirap na buhay ngayon (siguro???). Lalo hindi naman akong masyadong nagdiriwang ng Labor Day noong Mayo Uno kung saang marami ang manganganak at nagtitipun-tipon ang mga rallista doon sa Mendiola. Sa Mother’s Day naman na kung saan doong ako bumati sa FB, twitter at sa ‘Todo-Bigay’ ng Radyo Singko para sa mga Nanay at sa lahat ng gustong maging Nanay (gaya na sabi ng isang batikang Henyo na si G. Jim Libiran. Binabati po kayo! ^_^) At sa tinatawag na “Flores de Mayo” kung saang magsasagala na ang mga girls at…GELZ!
Minsan ay napapa-busy ako tuloy kahit hanggang ngayo’y wala pa rin akong trabaho, dahil sentensyada kasi ako sa mga gawaing-bahay, tulad ng pagwawalis tuwing at paghuhugas ng mga pinggan pagkatapos ng pananghalian. At ngayo’y may oras ako para magbasa ng bibliya, magsulat ng mga kuwento, making ng radyo at mag-TUMBLR muli. Lalo kinukumusta ko ang mga kaibigan ko sa FB at Twitter, kahit minsan ay bihirang mag-reply sa akin para kumustahin naman ako. Maging sa nami-miss ko makatawag ko uli si Kumareng Laila Chikadora sa “Todong-todo, Bigay na Bigay” kaya medyo masama ang loob sa akin ng isa kong kaibigan dahil dehinds kasi makabili ng bagong cellphone na may sim card na Smart para lamang makatawag ko siya. Hay, buhay?!!!! =(
* * *
At bago man magtatapos ang Buwan ng Mayo, ating talakayin ngayon yung tungkol sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, ang insidente sa NAIA terminal 3 kung saang kinasasangkutan ngayon ang beteranong kolumnista na si Mon Tulfo at ang mag-asawa na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto, at maging pasok sa finals ng American Idol Season 11 ang 16-year-old Fil-Mexican na si Jessica Sanchez.
Maliban lamang sa ibang issues gaya yung tungkol sa Scarborough Shoal na pinag-aawayan ng Tsina at Pilipinas, at maging sa matagumpay ngunit kontrobesyal na two-night concert ni Lady Gaga sa Manila, nang pilit harangin at kwestyuhin ng mga kaibigan kong taga-Religious Group dahil sa mga maseselang awiting gaya ng “Judas”, “Born this Way”, atbp. (At lalo din sa ibang bansa ng Asya…) Pero sulit naman sa mga tagahangang LABS na LABS nilang manood ng naturang concert at muntik na itong ‘ikalulugi’ at ganun din sa mga sponsors. Kaya may kasabihan “The show must go on!”
Ngunit, sa ngayon, wala rin akong ikukumento para sa mga ito (o nang dahil sa sumpong ng tinatawag na ‘Writer’s block). O mas mabuti’y sundin ang payo ni Ate Shawie sa bago niyang talk show sa channel 5, “Magpakatotoo na tayo!”
* * *
Maging GOOD NEWS sa atin dahil meron nga naming isang Pinay na pinasikat sa buong mundo, kahit hindi siya pinalad na maging grand winner sa naturang gatimpalak kundi ang nanalo ay si Philip Philips. Pero salamat sa suporta ng ilang kababayan mula Amerika hanggang buong Pilipinas (at maging sa Asya) dahil matuturing WORLD IDOL si Jessica. At biruin nyo, may offer pa siyang bibigyan ng the first-ever MAJOR-MAJOR recording break CD album mula kay Tommy Motola, ayon sa tweet ng maybahay ni Motola na si Thalia, the original MARIMAR! #MexicanFilipinoPower talaga! WINNER!
Kaya SALUDONG-SALUDO kay Jessica at MABUHAY! ^_^
And here’s Jessica Sanchez remarkable song called THE PRAYER para sa nangyayari sa ating bansa….
* * *
Ating balikan naman at talakayin ang dalawa sa mga matuturing pinaka-mainit na issue sa ngayong Buwan na ito: about CJ Corona a.k.a “CORONA-BELA”, ang isa sa pinamalaking kasaysayan ng Pilipinas kung saang 20 husgadong-senador at senadora ang bumutong “GUILTY” laban sa punong-mahistrado, maliban kina Sen. Joker Arroyo, Sen. Miriam Santiago at Sen. Bongbong Marcos ang bumotong “NOT GUILTY” si Corona. Nanaig uli ang demokrasya ng ating bansa. May kasabihan mula sa mga dabarkads ng Eat Bulaga “It’s a free country. You can do what you want” But don’t forget we are still the responsible citizens at all!
At sa tinaguriang “THRILLA in NAIA: Santiago vs. Tulfo”, kung saang ’trending’ at usap-usapan noon sa FB, sa Twitter, sa YouTube, Interaksyon, Startalk, Showbiz Central, Paparazzi, 24 oras, TV Patrol, CNN at mula sa mga tsismosang kapit-bahay na matatagpuan sa pinakamalapit na suking tindahan sa iba’t-ibang barangay, at sa mga nagkukwento sa mga Barber Shops. Malinaw din sa isang poll survey mula sa kapamilya showbiz talk show na “The Buzz” noong May 13 kung sa saang 81.36% ang mas maniniwala para kay RAMON TULFO kaysa 18.64% ang naniniwala sa panig nina Raymart at Claudine. Kaya padami nang padami ng mga ‘bashers’ sa mga iba’t-ibang social networking sites ang mga galit kina Mr. Yabang at Mrs. Maarte. Nagpatawag pa sila ng press noon. Sampahan man sila ng kaso laban kay doon. Lagyan pa ng “child abuse (?)”…. HOW PATHENTIC? HUWAG N’YO IPAGKAILA KUNG ANONG NAKIKITA NG MGA BATA SA NANGYARI…. (at malamang bini-‘brain wash’ nila para maturuan din magsinungalin laban sa ‘kapwa’. You know what I mean, folks!)
In other words, ayaw nang ganyan ni Angel Rico! Hmmmm… >=(
Kaya noong sa third day na pilot episode ng “LUNA BLANCA” sa GMA-channel 7 kung saang ‘pinatay’ na ang character ni Raymart Santiago ng isang maligno sa puno, ang siyang umanong gumahasa sa character ni Camille Pratts. If his character is ‘dead’, we didn’t know what’s gonna happen next? LET’S FIND OUT FOR MORE….
Noong mga nakaraang araw ay ipinalabas sa AKSYON ang nagsasabing “the first part of the video” bago ang insidente noong May 6 kung saang napatunayan diumano ang kampo mismo nina Raymart at Claudine ang siyang unang nagsimula sa gulo. Iyan ang kaibigan nila itago sa pangalang “MIP” also known as the “Man in Pink”
Just take a look:
Yep! Malinaw na sila ang unang maysala… Bahala kayo humugas at hindi ako iyon!
* * *
LESSONS LEARN ‘TO PARA SA ATIN, MGA TSONG AT TSANG. Hindi mahalaga kung sinong nagsasabi ng totoo. Lalo hindi natin alam kung ano pa ang susunod ng kabanatang ito….
Yung tungkol naman sa mga security measures ng airport, sadyang may kapapabayaan na hindi lang sa araw-araw nang laging binantayan at nag-iinspeksyon dahil sa banta na diumanong pagpasok ng mga terorismo at human and drug trafficking ng ating bansa (at maging sa buong mundo.) Kaya kumakailan ay inilabas ang survey mula sa CNN Travel Guide kung saang ang NAIA terminal one ang tinaguriang “No. 2 worst airport in the world” dahil sa comfort room, mabagal ang paglabas ng mga bagahe, mahabang pila sa counter at kawalan ng kasanayan ng mga security personnel ang siyang magpapatupad ng “Peace and Order”.*
Pangalawa, bilang artista o maging ordinaryong tao lamang na nais maging sikat balang araw, mas mabuti’y kung tignan muna sa iyong mga salamin mula paggising sa umaga hanggang pagtulog sa gabi, at tanungin mo kung “Ano-Ba-Ang-Gusto-Kong-Gawin-Sa-Buhay-Ko?” Parang kung ikaw ang ‘the wicked queen’ sa SNOW WHITE and the SEVEN DWARVES kung magtanong “Mirror-mirror on the wall, who’s the fairest of them all?” Kahit ang masabi ko lang hindi sapat sa amin kung pinakita nyo sa harap ng camera nang pinatawad nyo sa dalawang ground crew ng Cebu Pacific pagkatapos nang tinarayan nyo noong mga nakaraang araw dahil sa nawawala nyo bagahe. (itutuwid ko mula sa blog na TULFO noong May 8, 2012 - ‘ground crew’ pala, hinde ‘stewardess’) kaya ang sabi sa twitter ni @Angel_Rico2002: “kung pinatawad mo ang mga taong sinaktan nyo, dapat isapuso mo iyon at HINDI SA HARAP NG CAMERA!”
Lalo tama ang punto ng isang ka-ELIM ko na si Sis. MJ na may dahilan pa tayo kung bakit ‘hilaw’ pa at wala sa tamang panahon para matupad ang pangarap ko ang makilala ako bilang ako… May advantages at disadvantages. Lalo baka makalimot ko ang Panginoong Maylikha sa amin pagdating ng araw.
At isa pa, lahat tayo’y nagkakamali kung minsan at wala tayong karapatang makukubli ang mga kasalanan natin, sa pamamagitan ng pagsisinungalin. Mas lalong mabubuliyaso tayo balang araw at mas lalo pang mapa-‘praning’ kapag hindi kayo umaamin.
Kung mabuti pa si Corona, lakas-loob siyang humarap sa mga husgado bago pang tanggaping GUILTY siya at napatalsik tuloy sa pwesto bilang punong-mahistrado, dahil sa lumbag sa Article II na SALN. Ano nga ba???
Kung mabuti pa si Sen. Lito Lapid, maging totoong tao na rin bilang senado kahit High School Graduated pa lamang at dehinds marunong umingles. And he learned about his conscience and vote ‘guilty’ against Corona. APRUB!
At isa pang matutunan ko, gaya yung mula sa latest blog ko noon na TULFO on last May 8, sabi ko nang minsan nating napanood sa YouTube noon at hindi si Mon Tulfo ang binubugbog at pinagtutulungan ng mga kampo iyan, paano kung ang mga TATAY ninyo, LOLO ninyo, TIYUHIN ninyo o maging sa KUYA ninyo ang nasa kalagayan? Masakit sa damdamin iyon kung kayo ang mga TULFO BROTHERS na gaya nina Erwin, Ben at Raffy bago hindi nyo sinasadyang nakapagbitaw pa’ng salitang hindi pagbabantay lamang dahil sa mga bugso ng damdamin. Kaya nalulungkot ako three months suspension na ang programang T3, sa ang akala nating “TAPOS NA IYON!” dahil binawi noon ang MTRCB ang 20-day preventive suspension noon. Kaya nais kong maunawaan mo iyon kung mabasa mo ito sa blog na ito bago pang pilitan man ako sampain man ng LIBEL at ipakulong man nila ako kahit mahirap ako at may deperesya ako sa pag-iisip. Ang masasabi ko’y lahat tayo’y meron, hindi lang lahat ng mga autistic na gaya ko.
Lalo magpapasalamat ako kay Kuya Randy Santiago at laging ipinalangin niya “Sana’y maging maayos ang lahat!” (see this article on www.pep.ph.)
DITONG MAGTATAPOS ANG KUWENTONG PASPASAN NI JELA OLASO NA NAGSASABING:
“KUNG KASUHAN MO SILA, KASUHIN MO DIN AKO
at hantingin mo ang lahat ng mga ‘bashers’ na KAKASUHAN nyo
bago sa balang araw ay mayroon kayong KASU-KASUHAN! bwahaha!!! AYOS!”
GOD BLESS YOU ALL ^_^
……tapos…..
SOURCES:
* from Editoryal, Pilipino Star Ngayon, May 8, 2012
Photo reblogged from Unhinged Memories with 8,398 notes
LIGHTS… STARGAZING… BEAUTIFUL! ^_^
Source: snow-cone
Photo reblogged from 船員は鳴く鳴く ☾☆ with 865 notes
TO #GOODMORNINGCLUB… HAHA!!! ^_^
Source: dietsexdrugs
Photo reblogged from Mocha Café with 1,402 notes
TO MY DEAR FRIEND @lailachikadora… <3
Source: mochacafe.net
Video with 2 notes
IMMORTALITY - CELINE DION & THE BEE GEES
In the memory of Maurice and Robin Gibb. This song is dedicate for all the fan and family of the BEE GEES.
MAIIYAK TALAGA KAPAG MARIRINIG ITO… =”)
So this is who I
am,
And this is all I know,
And I must choose to live,
For all that I can give,
The spark that makes the power grow
And I will stand for my dream if I can,
Symbol of my faith in who I am,
But you are my only,
And I must follow on the road that lies ahead,
And I won’t let my heart control my head,
But you are my only
And we don’t say goodbye,
And I know what I’ve got to be
Immortality
I make my journey through eternity
I keep the memory of you and me inside
Fulfill your destiny,
Is there within the child,
My storm will never end,
My fate is on the wind,
The king of hearts, the joker’s wild,
But we don’t say goodbye,
I’ll make them all remember me
‘Cos I have found a dream that must come true,
Every ounce of me must see it through,
But you are my only
I’m sorry I don’t have a role for love to play,
Hand over my heart I’ll find my way,
I will make them give to me
Immortality
There is a vision and a fire in me
I keep the memory of you and me, inside
And we don’t say goodbye
We don’t say goodbye
With all my love for you
And what else we may do
We don’t say, goodbye
Source: youtube.com
Video with 1 note
“And I Am Telling You I’m Not Going” - Jessica Sanchez & Jennifer Holliday
Daig pang nagbabangayan sa #FaceToFace ni Ate Amy dahil sa napakalupet ng mga boses nina Jessica and Grammy Winner Jennifer Holiday! ASTIG NILA! BIRITAN NA! ROCK&ROLL \m/
Source: youtube.com
Video with 4 notes
Kahit hinding pinalad na manalo si Jessica Sanchez sa FINALS ng American Idol,
WINNER na WINNER din sa puso ng madlang pipol mula Chula Vista hanggang buong PILIPINAS!
SALUDUNG-SALUDO ako, Jessica Sanchez! MABUHAY! #WeLoveJessica <3
Eto ang awiting THE PRAYER ni Jessica Sanchez.
Source: youtube.com
ANG MGA BABAE…..
1. Moody: Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip kami, wag niyo nang sasabayan.
2. Pag sinabi naming nagtatampo kami, lambing lang katapat: Yung salitang tampo way lang namin yun para sabihing lambingin niyo kami. Konting I love you niyo lang, okay na kami.
3. Gusto namin yung palagi kaming kino-compliment: Pag may bago sa itsura namin, gusto naming mapansin niyo. Kasi nakakataas ng self-confidence namin yun.
4. Pag napansin niyong naging sersyoso yung mga text namin, may mali: Kapag ganun, may nagawa kayong di namin nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe naming wala, meron talaga. Nahihiya lang kami. Kaya pilitin niyo kaming sabihin sa inyo. At pagtapos naming masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.
5. Selosa kami: Kaya iwasan niyong makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan namin. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang kayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.
6. Kaming mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang kami. Kasi hindi naman na namin makikita ulit. Ma-attract man kami sa 1M lalaki, ang puso namin ay para lang sa tunay naming mahal. Ganun din naman kayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang kayong magtago.
7. Kaming mga babae, pinagmamalaki namin yung mga mahal namin ng hindi nila nalalaman: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR.
8. Ayaw namin sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba namin sila sasagutin. Naiirita kami. Kaya dapat maging matiyaga kayo kasi dun namin nalalaman kung sino talaga kayo.
9. Kapag malungkot o tahimik kami, gusto namin ng yakap galing sa inyo: Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak niyo na kami. Gumagaan yung pakiramdam namin. :”>
10. Gustong gusto namin yung mga lalaking malaki ang respeto samin: Yung tipong pag ayaw namin magpa-kiss, hindi niyo gagawin. Instead, lalambingin ka na lang sa ibang paraan. Ang pinaka gusto naming kiss, kiss on the forehead. It symbolizes, respect.
11. Ang nagpapa-turn on samin ay yung lalaking protective: Yung kapag kasama namin kayo, feeling namin safe na safe kami. Walang mangyayaring masama at hindi kami ilalagay sa panganib.
12. Ayaw namin sa lalaking hanggang text lang: Kung mahal niyo talaga kami, patunayan niyo sa personal. Wag yung sa text lang kayo magaling. Magpaka-lalaki kayo!
13. Sobra kaming natutuwa sa mga lalaking ma-effort: Yung kahit walang special day, feel mo eh special ang araw araw niyo. Kasi sobrang nakakatuwa kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling naming babae eh, isa kaming prinsesa.
14. Ang pangarap naming mga babae yung ipapakilala kami ng mga lalaki sa kanilang mga barkada at lalo na sakanilang pamilya: Feeling namin kami na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala kami sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nmin angkin na angkin na namin ang isang lalaki dahil nakilala na namin ang mga taong bumubuo sa buhay niya. :)
15. Magaling kaming mag-pretend: Kapag nasasaktan kami, nagpapaka-manhind kami. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan kami. Kapag may narinig na mali, nagbibingibingihan kami. Pero kapag mag-isa nalang kami, dun kami naglalabas ng sakit. Dun kami umiiyak. Kaya ang pangarap naming lalaki is yung sensitive enough sa mga nararamdaman namin. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin kami.
Photo with 45 notes
“Taiga shows her expression. Which face do you like?” - from OTAKU PICTURE
Source: facebook.com
Page 1 of 23